Saturday, August 6, 2011

Buhay namin sa Manila

By: Marwin Albert Caputolan



               Magandang araw po.... sa ngayon ay ikwento ko sa inyo ang aming buhay sa Manila.


               Ako ay walong taong gulang noon nang lumipat kami sa Manila. Nag-aaral ako doon sa ikatlong baitang  ng elementarya sa Bacoor Cavite Elementary School. Ang nanay ko ay isang labandera noon. Ang tatay ko namn ko namn ay nasa bahay lang dahil sa walang makitang trabaho. Lima kaming magkakapatid ngunit ang panganay kong magulang ay nagpaiwan sa Cebu.

             Lumipas ang tatlong linggo naming pagtira sa Manila ay nakakita ako ng kaibigan na mambobote. Natuto narin akong mambote dahil sumasama na rin ako sa kanilang pag-bobote. Mabait namn sila sa akin kaya bukas ang loob ko sa kanila. Uso noon ang pustahan ng gagamba kaya natuto narin akong makisama. Sa araw namn ng pasukan ay sa halip na sumakay ng jeep ay tinatakbo ko nalang patungong paaralan para makapagtipid at makabili ng gagamba para sa pustahan.
           Dumating ang araw na wala na kaming makain sa araw na iyon dahil sa wala pang nag papalabada ay napagisip-isip ko na ibenta ko nalang ang aking mga mamahaling gagamba sa murang halaga. Malaki-laki rin ang kita ko sa pagbebenta ng aking gagamba. Agad naman akong bumili ng isang kilong bigas at bumili na rin ako ng tinapay para pantubos sa kumukulo kung tiyan. Pagka uwi ko sa aming bahay ay nakita kung naglalaro ang dalawang bunso kung kapatid na naglalaro na kunwari daw ay kumakain sila ng masasarap na pagkain at awang-awa ako sa kanila na para bang malapit ng tunulo ang aking luha. Gayun pa man, agad kung sinaing ang bigas at linagyan ng maraming tubig para maging lugaw nang maraming kamin makain. Maya-maya lang ay bigla akong niyakap ng aking ina.

          "Bakit nay?".  Tanong ko sa kanya.
          "Wala anak, masaya lang ako".  Sabi naman ng aking ina.

          Maya-maya`y hindi ko talaga mapigilang tumulo ang aking luha kaya niyakap ko na rin ng mahigpi ang aking ina at ibinuhos ko nalang ang aking nararamdaman. Dahil sa sitwasyong iyon, natuto na rin akong magtipid at pahalagahan ang  aking pera para makatulong-tulong sa aking mga pamilya.


           Dito nagtatapos ang aking kwento. Sana`y may matutunan kayo sa kwentong ito at maraming salamat sa pag-babasa.